"Do everything in love." -1 Corinthians 16:14

"Sabi nila, kapag mahal mo ang ginagawa mo hindi ka mapapagod."

Hah! Mahal ko ang ginagawa ko. Kaso umabot na tlaga sa puntong hindi na ako nageenjoy sa service ko. Hindi ko alam kung paano at kelan ko ‘to naramdaman. Umiiwas na din ako sakanila. Ewan ko ba. Nakakamiss pero hay :> iwas muna talaga ako

Minsan napapagod na talaga ako sa sitwasyon ko. Walang ibang inaasahan dito sa bahay kundi ako. Tuwing nagrereview ako, palaging wrong timing kasi ang daing inuutos. Tuwing aalis ako, dapat balik din kaagad kasi walang katulong hays

gumawa na naman ako ng blog hahahahah I made this out of boredom lol puro mga text post lang ang ipopost ko dito tapos kadramahan ko sa buhay x

Kapag Nagmahal Ka

   Kapag nagmahal ka, dapat walang hinihinging kapalit. Hndi yung kaya mahal mo sya kasi makapal ang wallet nya o kaya naman dahil may kotse sya.


   Kapag nagmahal ka, kailangan buo yung pagmamahal at atensyon na ibibigay mo sa partner mo. Hindi yung makikihati pa sya sa oras mo.

   Kapag nagmahal ka, dapat loyal ka. Hindi yung mahal mo sya, tapos may mahal ka pa palang iba.

   Kapag nagmahal ka, pahalagahan mo sya. Hindi yung kung kelan ayaw na nya, saka ka naman eepal at mangugulo sa masayang buhay nya.

   Kapag nagmahal ka, dapat sya lang, dapat totoo.

   Kapag nagmahal ka, iparamdam mo sakanya yung feeling kung ano ang ibig sabihin ng salitang TRUE LOVE.

   Kapag natagpuan mo na sya, hwag mo na syang pakawalan. Bihira lang dumating ang mga pagkakataon. Hwag mo nang hintayin na baka sa huli, magsisi ka.